Sunday, October 11, 2009

MESSAGE

Abangan ang susunod na "PRIVILEGE SPEECH on WEB" ko, this October 17, 2009.

Tuesday, October 06, 2009

PRIVILEGE SPEECH

Ako ay nagsasalita nayon hindi bilang Auditor ng SSG kundi bilang Lou Benedic C. Valle isang ordinaryong mag-aaral ng DEGMNHS. At ang nilalaman ng mga sasabihin ko ay ang ma emosyon na naipon sa apat na taon ko sa pag-aaral. Saya, inis, galit, poot at pagkamuhi.
Uunahin ko na ang aking INIS. Naiinis ako sa mga taong nagsasabing mayabang ako. Ano ba ang basehan ninyo ng pagiging mayabang? Hindi po ba’t mas mayabang ang taong nagyayabang ng wala? Inaamin ko, pinagyayabang ko ang aking mga napapanalunan at nakukuha. Pinagyayabang ko mismo sa aking nakalaban na ako at hindi siya ang nanalong SSG Auditor. Pero isipin natin, nagyayabang ba talaga ako? Para sa aki’y HINDI, nagpapapansin lang ako. Sapagkat ang ilan, hanggang ngayon, ay hindi pa rin tumatak sa kanilang mga isipan na ako ang nanalo at hindi ang kanilang gusto. Alam ko, naiintindihan ako ng aking noo’y nakalaban. Isa pa, naiinis ako sa mga bastos – ‘yung mga walang respeto. Kaya minsan ay naiinis din ako sa sarili ko sapakat hindi ko talaga nirerespeto ang ilan sa paligid ko na hindi naman karapat-dapat irespeto. Oo, nagpapatawa ako sa harapan ng maraming tao ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Sabihin na nating halos lahat ng oras ay nagbibiro ako ngunit tama ba na batuhin ako ng isang taong hindi ko kaanu-ano? Kung sino man ang nakagawa na at gagawa pa sa akin niyan, BASTOS KA! Ayos lang sana kung hindi mo ako kilalaning Auditor pero kilalanin mo akong tao! Kaya ngayon, pinapangako sa mga taong ‘yan, magmula sa pagsusulat ko nito ay bababa na ako sa aking pagiging SSG Auditor. Hindi ako magreresign pero hindi na ako pupunta sa lahat n mga susunod na meeting ng SSG. Nang sag anon hindi na kinakailangan ang desisyon ng General Assembly sa aking pagbaba. Kung may nanghihinayang sa aking pagbaba, an tanging magagawa mo lang ay palitan ako sa aking katungkulan. At kung sino ka man, pumunta ka lang sa aming pangulo. Ipaluklok mo ang sarili mo sa katungkulan at sana ay hindi mo maranasan ang akin nang napagdaanan. At kung sino ka man, HINDI AKO PULITIKO!.
Speaking of pulitiko, galit ako sa mga taong namumulitika sa ating paaralan. Hindi po OFFICE OF THE GOVERNOR ang SSG; hindi po OFFICE OF THE MAYOR ang mga Club Organization; hindi rin po OFFICE OF THE BARANGAY CAPTAIN ang Class Offices, lalong-lalo na hindi DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE ang CAT. Ang ilan, ang habol ay points sa Extra Co-curricular. Ang ilan naman, wala lang sa kanila ang kanilang responsibilidad nila. Proud na proud pa naman po kayo na “DEGMNHS, School Of Leaders and Achievers” pero ano’ng ginagawa niyo? Minsan, inaabuso niyo pa ang kapwa niyo! Anong klaseng mga leaders kayo? May karapatan po akong sabihin ‘yan sapagkat saan po ba kayo nakakita ng Auditor na magkasimbigat ang trabaho sa President? Wala po kundi SSG lang. Hala, nagyabang na naman si Valle. Oo, sabihin niyo nang mayabang ako, pero totoo lahat ng sinasabi ko. Kaysa naman sa isang mayabang na President pero wala pa namang nagawa? ‘Yung ilang President nga eh utos ng utos, pero kapag nandiyan ang kanilang adviser, parang siya lang ang gumagalaw. Sa awa ng Diyos, nauso ang DIVISION OF LABOR sa SSG. Muli tungkol sa pulitika, galit ako sa mga taong gumagamit ng mga koneksiyon. ‘Yung mga tipong pinapakialaman pati ang ranking. Alam mo kung sino ka. Sinasabi ko na sa’yo, ‘wag mo nang tangkaing ulitin pa ang nakaraan. Sapagkat, ang aking ama at ang iyong koneksiyon ay minsan nang nagtalo. Mind you, muntik matanggal ang koneksiyon mo noon. Mabuti na lamang may isang concerned na pumigil sa aking ama na pumunta sa DepEd Office. Kaya hinahamon kita, ‘wag na ‘wag mong gagamitin ang iyong koneksiyon sa alin mang may kinalaman sa grado, ranking, positions at iba pa. Sa mga natamaan naman na “sinsinan” leaders. I challenge you, RESIGN and be a leader even though you don’t have any position.
Ngayon, mananawagan naman po ako sa mga teachers, be appreciative naman po. Pansinin po natin lahat ng ating estudyante. Alisin na po nating tuluyan ang FAVORITISM. Hinhiniling ko rin po na bigyan natin ng pansin ang mga naghihirap para sa paaralan. Mayroon isang estudyante nanalo lang ng 7th o kaya ay 9th lang sa La Union ay halos makansela ang klase. Pero, ang mga taong Regional Champion o 2nd ay wala lang para sa inyo. Konting konsiderasyon lang po. Kung iniisip po ninyo na palitan ako bilang contestant sana ay noon pa lang po. One thing more, hindi porke’t iisang subject lang iyon ay magiging iisang award lang iyon pagdating ng Graduation. Kilala po natin kung sino at kung paano magalit ang akin ama. Kaya kung mauulit pa ang mga pangyayaring ito sa Graduation, ako mismo ang magbibigay sa aking ama ng MIC at siya na ang bahala para sa akin. Uy, baka sabihin ng iba ay ako naman kasi ang nakapagreview o kaya napractice. Sa mga nagsasabi niyan, simulan mo nang magreview magtutuos tayo sa kolehiyo o kaya ikaw na lang ang pumalit sa akin, sana ay manalo ka.
Susunod naman po, kinamumuhian ko ang mga BULAG at SINUNGALING. Hindi po tayo literal ngayon. Kinamumuhian ko ang mga taong hindi marunong tumingin sa tunay na pagmamahal. In other words, kinamumuhian ko ang karamihan sa mga babae. Sa mga babaeng tinutukoy ko, ipagdasal niyo na hindi ako yayaman.
Anyway that’s life. At tulad nga ng sabi ko, ako’y masaya na nasabi ko na ngayon ang aking mga hinanakit. Sa mga gurtong magbigay ng reaksiyon, kausapin niyo ako. At kung galit kayo, siguraduhin niyo lang na meron kayong dalang bagong LATIN WORDS. Sawang-sawa na ako sa “ukinnam” at ‘yung mga common na words na ‘yan. Sana may bago naman. At warning, kung babae ka mag-ingat sa pananalita, baka kung anong magawa ko sa’yo.
THANK YOU!!!!!